Huwebes, Oktubre 30, 2014

Para Naman Sa Iyo


A: Napatawad mo na ba?
B: Oo naman, pinapansin ko na nga sila eh.
A: Hindi sila, ikaw, napatawad mo na ba ang sarili mo?

Miyerkules, Oktubre 29, 2014

Siya

Sabihin mo sa akin kung gaano sya kaganda
Iparamdam mo sa akin ang kanyang halaga
Para sa tuwing magtatangka akong agawin ka sa kanya,
Maalala kong lagi ang kislap ng iyong mata habang kasama sya