*Para kay Alvin,
Lagi mong sinasabi na simple ang mga bagay. Nang purihin ko ang ganda ng buwan, “kaya pala maraming makata ang sinasali ang buwan sa kanilang mga akda kasi maganda nga…”Sabi mo naman, “Ay naku, moon yan, moon…” Naglalakad tayo sa kahabaan ng academic oval, laglag ang mukha ko, kasama ng mga mumunting patak ng ulan sa paligid, nakakuyom ang kaliwang kamay, kagat-kagat ang labi. Nagpipigil ako.
“Ang babaw mo.”
“Akala
mo naman ang lalim mo…”
(Eh, ano ngayon?)
Stranger than fiction? Totoo, hindi kita binobola. Ikaw ang
nasa isip ko habang pinapanood ang pelikula. Gusto kong ipakita sa iyo na may
sariling ritmo ang mundo na nilalapatan ng mga manunulat ng titik. Ma-drama na
kung ma-drama, basta ganyan ang nangyayari. Ayaw man nating aminin kung minsan,
ang bitaw natin ng mga salita ay matindi pa kina Vilma Santos at Sharon Cuneta.
Lalo na kapag sumisiklab, lumiliyab at nag-aalimpuyo ang damdamin. Kung maaari
nga lamang i-pause saka i-rewind kapag sinabi mo na ang linya mo, tiyak
magugulat ka. Mapapatanga sa totoong script ng buhay.
Para ngang naririnig kita ngayon, habang sinusulat ito, na
nagtatanong kung ano ba ang Stranger than Fiction. For me, it’s a story about
the writer. Sa unang tingin, tila mas significant ang lead character na si
Harold Crick-a literally “precise” person. Subalit sa pagtakbo ng istorya,
malalaman nyang parte pala siya ng isang novel at nakasalalay sa writer/author
nito ang ending. Magkabuhol ang writer at ang character, one affects the other
and vice-versa. Gayunpaman, bida ang writer dahil sa bonggang conclusion nya
kung gaano kasarap lasapin ang buhay.
Ipinapaalala rin ng pelikula ang kahalagahan ng bawat
pagkakataon, paano nga kaya kung sa isang Wednesday ay may magsabi sayo’ng
nalalapit na ang oras?
Itinampok din ang konsepto ng destiny subalit sa dalawang
anyo, ‘yun bang kontrolado (pwedeng mabago, depende sa tao) at sigurado (wala
ka nang magagawa kahit lumuha pa ng dugo).
Bakit ikaw ang sinali ko sa paper? Simple lang, ikaw ang
Stranger than Fiction para sa akin. Isang taon na ang nagdaan nang mangyari ang
nangyari, di ka pa rin namamansin. Kapag nagkakasalubong tayo, parang galing ka
sa kabilang nobela at ako naman paikot-ikot sa unang nobelang tinakasan,
nilayasan, tinapakan at higit sa lahat, nakalimutan mong isara.
Hay, sapantaha ko, walang hanggang katahimikan na naman ang
aanihin ko mula sa iyo kapag nabasa mo ito. (Kainis, sino ba kasi nagsabing
there’s something deep in silence?)
Hehehe naiintindihan mo ba? Ganito na lang, pinag-iisipan
ang mga bagay at oo na, ang arte ko.
Ang sinabi mong una mong tatawagin kapag hinoholdap ka na sa
Beta Way papuntang Eng’g at pinagtitripan ng mga fratmen sa AS,
Leniboy**